Tuesday, 11 September 2012
Mga Ibat Ibang Awiting Pamasko Ng Pilipinas
The tradition began pangangaroling in the Philippines during the Spanish. Not the result of a true culture of Filipinos since the Spanish brought it from Europe. But in the long run, given this local color to become part of the celebration of Christmas in the country.
"Pasko na Naman"
Gawa ni Felipe de Leon ang pamaskong awiting ito. Si Levi Celerio ang nagsulat ng mga titik. Ang mensahe ng awitin ay ang pagsapit ng Pasko na siyang dapat na ipagdiwang. May isang artikulo galing sa Film Academy of the Philippines (FAP) ang nagsasabing si Pablo Vergara, isang musikero at manunulat ng kanta, ang gumawa ng awiting ito.
Taong 1973 lumabas ang unang commercial recording ng kantang ito. Ang Filipinas Singers ang umawit habang ang si Doming Amarillo ang nag-areglo. Muli itong ginawan ng plaka noong 1984 kung saan si Celeste Legaspi ang umawit. Sa 2003, inilabas ang mas modernong bersyon ni Gloc 9.
"Ang Pasko ay Sumapit"
Ang "Pasko ay Sumapit" ay paboritong awiting pamasko, sa orihinal, ay nakabatay sa isang Bisayang tula, Kasadya ning Taknaa. Ito ay sinulat noon pang 1933 ng Cebuanong makata na si Vicente Rubi at Mariano Vestil.
Si Levi Celerio ang nagsulat ng ngayo'y kilalang-kilala na mga salitang nagkukuwento sa pagsilang ni Hesus at nagpapasigla ng sangkatauhan na umawit, gumawa ng kabutihan, mag-ibigan at maghanda para sa manigong bagong taon. Noong 1984 inilabas ang bersyon na inawit ni Celeste Legaspi.
"Christmas in our Hearts"
Si Jose Mari Chan at ang kanyang anak na si Liza ay umawit tungkol sa tunay na kahulugan ng Pasko. Sinulat ito ni Chan at ni Rina Caniza. Isa itong ballad tungkol sa pagkasilang ni Hesus at nagpapahiwatig na ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mamahaling regalo. Tungkol ito sa pagramdam sa diwa ng Pasko na siya ang pag-ibig ng Manunubos sa sangkatauhan.
Taong 1990 unang narinig ang kantang ito na inareglo ni Homer Flores. Naging mainit ang pagtanggap dito ng mga tao. Hanggang ngayon, paboritong awitin pa rin ito tuwing Pasko.
"Sa Paskong Darating"
Ang awiting "Sa Paskong Darating" ay tungkol sa paghihintay ng mga tao, lalo na ang mga bata. Tinutukoy nito ang pangangailangan ng mga batang magpakabait sa buong taon upang maregaluhan ng masasarap na pagkain ni Santa Claus. Isinulat ito ni S.Y. Ramos kasama sina Ruben Tagalog at Jun Lacanienta. Tumulong naman si Paolo Bustamante sa paggawa ng titik.
Sa pamamagitan ng WEA Records, nailabas ang unang plaka nito noong 1984. Si Celeste Legaspi ang umawit. Ginawa ang ikalawang record release sa 1993 ng Vicor Music. 1997 naman inilabas ng Viva Records ang bersyon ng bandang Mulatto.
"Pasko na Sinta Ko"
Si Gary Valenciano ang nagbigay buhay nitong magandang awiting pamasko. Isinulat ni Aurelio Estanislao ang mga salita at si Francis Dandan naman ang nagsulat ng musika. Ang awitin ay tungkol sa pagkawalay ng isang minamahal na naging mas nararamdaman tuwing Pasko. Naging sikat ito sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay sa panahon ng Pasko.
Mula nang inilabas ito, taun-taon na itong may bersyon ginawa hanggang 1990. Ang sumikat na bersyon ni Valenciano noong 1986 ay sinundan pa ni Kuh Ledesma noong 1987. May bersyon ding inilabas ang Apo Hiking Society noong 1989. Si Eddie Katindig ay may bersyong saxophone na lumabas noong 1990. Si Piolo Pascual ang pinakahuling gumawa ng bersyon noong 2003.
"Silent Night"
Ang Silent Night ay isang pamaskong awiting isinulat sa wikang Ingles. Hinggil ito sa mapayapang gabi bago isinilang si Hesus. Ang orihinal na komposisyon ay ginawa ni Franz Xaver Gruber. Ginawan ito ng titik ni Father Josef Mohr sa wikang Aleman at isinalin naman sa Ingles ni Reverend John Freeman Young noong 1859. Mula noon, ang Ingles na bersyon na ang naging mas sikat.
"12 Days of Pinoy Krismas"
Ang sikat na grupong Apo Hiking Society ang gumawa ng Tagalog na bersyon ng "Twelve Days of Christmas". Para maging mas Pilipino, pinalitan nila ang mga regalo na itinukoy sa kanta ng mga lokal na bagay kagaya ng bola ng basketball, payong, sako ng bigas, pagong, pulang mga lobo, sofa, berdeng mga unan, lechon, mga kaha ng beer, mga inaanak, mga tuta at mga parol.
Ang batikang komposer na si Ryan Cayabyab ang gumawa ng himig nito. Si Jim Paredes naman ng Apo ang nagsulat ng titik. Inilabas ito noong 1991 sa bersyong inareglo ni Mike Llacar.
"Mano Po Ninong"
Ang awiting itong isinulat nina A. Torres at M.P. Villar Sr. ang "Mano Po Ninong (Mano po Ninang)" ay tungkol sa tradisyunal na pagmano ng mga inaanak sa kamay nga kanilang mga ninong at ninang bilang pagbibigay-galang. Dahil Pasko, inaasahan ng mga inaanak na bibigyan sila ng regalo matapos nila itong gawin. Taong 1974 inilabas ng MARECO Inc. ang unang plaka nito. Ang umawit sa recording ay ang Mabuhay Singers.
"Paskong Anong Saya"
Isa itong awiting pamaskong nagnanais sa lahat na maging maligaya at masagana. Ito rin ay nagdadasal na maging mapayapa ang bansa at ang mga tao. Ang orihinal nga gumawa ng himig ng kantang ito ay si Tex Salcedo. Si Levi Celerio naman ang nagsulat ng mga titik. Taong 1984 nang una itong ginawan ng plaka sa ilalim ng WEA Records.
"Noche Buena"
Ang "Noche Buena" ay isa pang awiting pamasko na ginawa nina Felipe de Leon at Levi Celerio. Ang awiting ito ay tungkol sa paghahandang ginagawa ng lahat para sa Noche Buena. Kahit tinapay lang at keso ay mabuti na basta kinakain ito kasalo ang mga mahal sa buhay. Taong 1973 nang unang inilabas ng Vicor Music ang recording na inawit ng Filipinas Singers. Inilabas ang iba pang sikat na bersyon noong 1984. Inawit ito ni Celeste Legaspi. May isa pang bersyon si Ryan Cayabyab noong 1991.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment